Benjie at Candy

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.– 1 Corinto 13:4-7

POV nina Benjie at Candy sa isa’t isa

Sino si Benj?

Siya ang taong nagmahal sa’kin sa kabila ng napakarami kong kakulangan at kahinaan. Sa panahong hindi ko na makilala ang sarili ko, tinuro niya sa’kin na ang pagkatao ko ay sa Diyos matatagpuan. Isa sa mga taong may pusong tapat, mabuti at mapagbigay. Sa loob ng walong taon niyang paghihintay, ipinadama niya na sa’kin kung paano magmahal ang Diyos na buhay. 💕

Para kay Benj, Salamat sa paghihintay, pagmamahal at paninindigan. Para sa habang buhay na pagsasama, sa pagluluto ng mga pagkain na dati lang nating tinanong kung ano kayang lasa, sa paggawa ng mga bagay na dati lang nating pinapangarap magawa. sa marami pang meme at fb reels na tatawanan nating dalawa, at sa marami pang long rides, camping, dagat , bundok , ilog o kahit pa sapa – basta kasama kita.

Magkita tayo sa altar, Mahal. Ito na ang araw na matagal nating idinalangin sa Maykapal. Ikakasal ka na sa babaeng 14 na taon mong pinantasya. 😂 -Candy

Sino si Candy?

Si Candy para saken ay isa sa mga regalo ng Diyos na binigay niya at ipinaranas niya rito sa lupa, isang pagpapala ang magkaroon ng babaeng tulad ni Candy, Oo hindi sya perpekto pero ang Diyos namin ay perpekto. Binigyan nya ko ng Partner na iintindi sa magulo kong ugali, magpapakalma saken tuwing hindi na okay, magcocorrect o magrerebuke kapag may hindi na tama at syempre through the years sya yung babaeng bunga ng Panalangin ko.

Looking forward na makasama sya hanggang pagtanda at kht sa kabilang buhay pa,makabuo ng masayang pamilya, maglingkod sa Diyos kasama sya at maging daluyan kami ng biyaya para sa iba.

Ito na yun. ito na yung isa sa pinakamalahalagang araw na mararanasan ng tao at regalo ng Diyos, haharap na tayo sa kanya at hihingi ng bendisyon kasama ang ating mga magulang at malalapit na tao sa ating buhay, dalangin ko Mahal ang masaya at mahabang pagsasama  sa hinaharap kasama ang nag iisa nating Diyos. Mahal na Mahal kita sa Panginoon. -Benj

Mga natatanging Tao sa aming Kasal

Mahalagang

Sandali.

Ang Aming Kwento

2010-2018

Magkaibigan

2018-2024

Magkasintahan

Disyembre 2023

Paghingi
ng Kamay

Makakadalo ka ba?

Hunyo 15, 2024 ang huling araw ng pagbibigay alam sa amin ng iyong pagdalo sa aming kasal.

Tungkol sa regalo:

Tunay na kami ay pinagpala sa lahat ng biyaya na aming natatanggap. Presensya at
panalangin ninyo ay lubos naming inaasam. Ngunit kung kami ay nais handugan,
karagdagan sa aming ipong pinansyal ay lubos naming pasasalamatan.

Kanta o Awitin na gusto mong marinig sa Araw ng Kasal namin:

Ang Pag-iisang Dibdib ni Benjie at Candy

Hulyo 7, 2024

Seremonya

Ika-7 ng Hulyo, 2024
3:30 – 4:00 ng Hapon

Casa Editha
San Jose Del Monte Bulacan

Salusalo

Ika-7 ng Hulyo, 2024
7:00 ng Gabi

Casa Editha
San Jose Del Monte Bulacan

Inaasahan namin ang iyong pagdalo.